PETIZONE

Thursday, January 15, 2009

PET JOKES

Original concoctions of Ninong... orig daw?

Q: Saan dinadala ang kabayo pag may sakit?
A: Sa horsepital
Q: Eh sino naman ang gumagamot sa aso pag may sakit?
A: Eh di ang DOGTOR
Breakfast time with Mommy, Twinkle, Tisoy, Epoy

Q: Kung ang aso ay may papeles ng kanyang pedigree, ano naman ang papeles ng ibon?
A: Eh di BIRD CERTIFICATE.

Ang tao pag naggu-goodbye, ang sinasabi ay INGATS.
Ang daga pag naggu-goodbye, ang sinasabi ay NGATNGATS.

Q: Anong breed ng aso ang pinakamaliit?
A: Breed na pan-dachshund.

Q: Anong breed ng aso ang mas maliit sa pan-dachshund?
A: Eh di KAPIRASO.
Epoy and Ninang

LUMANG JOKE DAW
Nagkukuwentuhan ang 2 aso:
Epoy: Alam mo, Tisoy, yan palang kalapati nating si Twinkle, pag hinatak mo ang kaliwang paa, kumakanta ng Bayang Magiliw.
Tisoy: Ha? Eh pag yung kanang paa ang hinatak mo?
Epoy: Magre-recite naman siya ng Panatang Makabayan.
Tisoy: Hehehe, lumang joke na yan, Kuya Epoy, pero itutuloy ko pa rin. Pag hinatak mo pareho ang dalawang paa, magmumura si Twinkle, ano?
Epoy: Hindi.
Tisoy: Eh anong mangyayari pag hinatak ang 2 paa niya?
Epoy: Aba, malay ko. Bakit di mo subukan.

At sinubukan nga ni Tisoy, hinatak niya ang 2 paa ni Twinkle. Plok-plok, iniputan siya ni Twinkle. Buti na lang hindi ibong adarna si Twinkle.
Tisoy in the car

MGA MAS LUMANG JOKES
Q: Ano ang tawag sa maraming anak ng isang aso?
A: Ano pa eh di SANGKATUTA.

Q: Ano ang tawag sa anak ng baboy?
A: Ano pa eh di Piglet.
Q: Ano naman ang tawag sa maliit na Piglet?
A: Eh di PIGLIIT.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home